Batang Lansangan
Batang Lansangan
Agaw Agimat
Bata, saan ka pupunta
Pagkasapit ng dilim
Ikaw ba ay may uuwian
Ikaw ba ay may magulang
Ipagluluto ka ng hapunan
Ipaghahanda ka ng higaan
Heto ang lansangan na iyong kinagisnan
Dito rin ba kaya ikaw babawian
Nene, labi mo’y kay pula
Ngunit mukha mo’y putlang-putla
Ang ngiti mo ay may halaga
Ikaw ba ay kumain na
Nakahubad na pagdurusa
Sa nadaraanan nanghahalina
Heto ang lansangan na iyong kinagisnan
Dito rin ba kaya ikaw babawian
CHORUS
Bagbagto, baggagto tolambi
Talambawikan bawikan
Bawikalanay kalanay, kalapaingganay
Bundoy, gising, tanghali na
Kalabitin ang Abenida
Kung palarin ay may tirang pansit
Sabay singhot sa supot ng langit
Sa elarti magtriping-triping
Huwag pasasagasa sa mga bituin
Heto ang lansangan na iyong kinagisnan
Dito rin ba kaya ikaw babawian
[Repeat CHORUS]
About this Song Lyrics
You’re reading the lyrics of “Batang Lansangan by Agaw Agimat, Ringtones on ” Lyrics : OPM Pinoy Songs album. Band, MP3, Guitar Chords, Tabs or other Downloads not included.
- Composed:
- 12.7.06 / 12pm
- Artists / Lyricist:
- Agaw Agimat, Ringtones
No comments
Jump to comment form | comments rss [?]