Luha
Luha
Aegis
Akala ko ikaw ay akin
Totoo sa aking paningin
Ngunit nang ikaw ay yakapin
Naglalaho sa dilim
Ninais kong mapalapit sa ‘yo
Ninais kong malaman mo
Ang mga paghihirap ko
Bale-wala lang sa ‘yo
REFRAIN
Ikaw ay aking minahal
Kasama ko ang Maykapal
Ngunit at ako pala ay naging isang hangal
Naghahangad ng isang katulad mo
CHORUS
Hindi ko na kailangan
Umalis ka na sa aking harapan
Damdamin ko sa ‘yo ngayon ay naglaho na
At ito ang ‘yong tandaan
Ako’y masyadong nasaktan
Pag-ibig at pagsuyo
Na kahit na sa luha, mababayaran mo
Tingnan mo’ng katotohanan
Na tayo’y pare-pareho lamang
May damdamin ding nasasaktan
Ang puso mo’y nasaan
[Repeat REFRAIN & CHORUS]
CODA 1
Ayaw ko nang mangarap
Ayaw ko nang tumingin
Ayaw ko nang manalamin
Nasasaktan ang damdamin
[Repeat CODA 1]
CODA 2
Gulong ng buhay
Patuluy-tuloy sa pag-ikot
Noon ako ay nasa ilalim
Bakit ngayon nasa ilalim pa rin
Gulong ng buhay
Patuluy-tuloy sa pag-ikot
Noon ako ay nasa ilalim
Sana bukas nasa ibabaw naman
No comments
Jump to comment form | comments rss [?]