Price Tag

Price Tag
Agaw Agimat

Binilhan mo s’ya ng relo
Mga polo at telepono
Nanood kayo ng sine
Nilibre mo pa pati pang-taxi

Binigyan mo pang-tuition fee
Niregaluhan ng kotse
Pinatira mo sa bahay mo
Pinahiram mo lahat ng gamit mo

Ba’t ngayo’y may presyo
‘Pagkat ‘di na magkasundo
Lahat ngayon ay nakalista
Nang ‘di na kayo magsyota

Pinautang ka ng malaki
Pinagbibigyan ka lagi
Kahit anong hiling, binibili
Mahal ka raw n’ya talaga kasi

Lahat ng iyon ay bigay
Bago pa kayo magkahiwalay
Simbolo ng pagmamahal
Bago ka pa nya sinakal


About this Song Lyrics