Sayaw ng Tagumpay

Sayaw ng Tagumpay
Agaw Agimat

La la la…

Haplos ng hangin
Ang iyong lambing
Patak ng ulan
Pumupukaw sa aking kamusmusan

Ba’t ngayo’y nagbago ka
Ang dati mong pag-ibig
‘Di ko na nararamdaman
Nakaraan ba’y kaya pang balikan

CHORUS
Nilason nila sakdal mong anyo
Tuluyan ka nang lumayo
Pa’no na ang mga pangako
Paano na’ng mga pangarap
Paano na’ng mga pangakong sasayaw tayo sa tunog ng tagumpay

La la la…

Halimuyak mo’y aking yakap-yakap
Ang awit mo’y hinanap-hanap
Nang lumisan ito sa isang kisap
Himig ng pagmamamhal ay aking taglay
Ang lagi mong pag-ibig ang hinihintay habang ako ay nabubuhay

[Repeat CHORUS]

AD LIB

[Repeat CHORUS]

La la la…


About this Song Lyrics